Tamad na ako maglipat.

Please follow www.mitsubinshi.tumblr.com :)

Minsan lang silang bata.
Na napagkaitan. Pinagkaitan ng disenteng tahanan, pagmamahal ng magulang at lipunan, pagkain pang agahan, pananghalian at hapunan.
Minsan lang silang bata.
Na nahirapan. Napasurahan sa hirap ng buhay. Pinagtrabaho, pinaglimos. Kayod kabayo upang makaahon.
Minsan lang silang bata.
Na nahayaan. Hinayaang mangmang sa kawalan ng edukasyon. Nalulong sa masamang bisyo at maling kalakaran. Nasira ang kinabukasan at tuluyang naging salot ng lipunan.
Minsan lang silang bata.
At ni minsan, hindi mo ito naranasan. 
Minsan lang silang bata.
At minsan lang din ang buhay.

*Litrato mula kay Anthony Caloma, SJ

Minsan lang silang bata.

Na napagkaitan. Pinagkaitan ng disenteng tahanan, pagmamahal ng magulang at lipunan, pagkain pang agahan, pananghalian at hapunan.

Minsan lang silang bata.

Na nahirapan. Napasurahan sa hirap ng buhay. Pinagtrabaho, pinaglimos. Kayod kabayo upang makaahon.

Minsan lang silang bata.

Na nahayaan. Hinayaang mangmang sa kawalan ng edukasyon. Nalulong sa masamang bisyo at maling kalakaran. Nasira ang kinabukasan at tuluyang naging salot ng lipunan.

Minsan lang silang bata.

At ni minsan, hindi mo ito naranasan. 

Minsan lang silang bata.

At minsan lang din ang buhay.


*Litrato mula kay Anthony Caloma, SJ

Ang isang malalim na ilog, tahimik ang agos subali’t nakalulunod. Ngunit ang ilog na mababaw na siyang tulad mo, ay maingay, at kahit ang kailaliman ay abot tanaw.

Ang isang malalim na ilog, tahimik ang agos subali’t nakalulunod. Ngunit ang ilog na mababaw na siyang tulad mo, ay maingay, at kahit ang kailaliman ay abot tanaw.

Dream high.

Magdadalawang buwan na akong bum —palamunin ng pamilya, kain, tulog at patabaing baboy. Wala pa rin akong tinatawag na trabaho tulad ng nakagawian ng mga graduates na pagkatapos makakuha ng diploma eh, diretso na sa paghahanap buhay.

Ako, hindi. Nabibilang din ang mga kumpanyang pinalampas ko at hindi sinipot sa mga interviews dahil isa akong malaking gago na nagkalat lang sa buhay. Meron akong sinipot na iilan din at tinanggihan dahil hindi pa ako “ready” sa tunay na buhay. 

Isang araw nakita ko sa Makati yung kras kong si Pingpong Boy, simula noon, feeling ko seryoso na ako sa buhay dahil gusto ko maging tulad niya. At lalo pa, pag nagkita kaming muli, may mukha na akong maihaharap sa kanya, “Isa na akong professional. Seryoso na ako sa buhay”. Pwede na niya ako yayaing mag-date. 

Dahil kay kras, sinipot ko yung exam at interview sa isang kumpanya. Dalawang exam na magkasunod at dalawang interviews na magkasunod. Tapos training agad ng isang linggo tapos dalawang final exam ulit tapos interview sa CEO. 

Blah blah blah. Tumawag sila. Tanggap daw ako. Tapos blah blah blah. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Naloko nanaman ang buhay ko kaka Tetris. Tapos nagkasakit ako, tapos ngayon, bagong buhay na ulit. Medyo nawawalan na ako ng pag-asa. Shet, wala akong kwentang tao. Hindi ko alam kung naghihintay ako sa wala o sadyang ayaw ko lang talagang gumalaw. Ay ewan.

Nakakasawa na rin ang mga tao kakatanong ng “May trabaho ka na?”. Kung sasabihin kong “Nagtuturo ako ng Japanese”. Di naman nila yun maintindihan yun. Ah basta, ayoko na ikwento. Ayoko lang din na kailangan ko pa mag explain ng sobrang haba, di rin nila maiintindihan tulad ng mga estudyante kong di ko alam kung talagang naiintindihan nila ang tinuro ko. 

Anyway..

Noong medyo nawawalan na ako ng morale at lalong bumababa ang tingin ko sa sarili ko dahil sa kawalan ng trabaho at ang wallet kong makapal nga na laman ay puro basurang papel, may magandang balita akong natanggap. Sa di inaasahang pangyayari, inimbitahan ako para sa isang initial screening. Malapit na malapit sa trabahong inapplyan ko sa aking “dream company”.

Tapos.. Poof! Alam ko na kung anong gusto kong trabaho! Nabuhayan ako ng loob. At nabuhay akong muli! 

Napagtanto ko na lahat  ng nangyari sa akin ay ayon sa plano ng Diyos. Baka nga lahat to, unti unting papunta doon sa pangarap ko. Sa di maintindihang pangyayari, di ko matanto kung bakit pag nag-aaral ako ngayon, naiintindihan ko yung binabasa ko. Parang ang bilis kong pumick-up. Parang ang galing! Yehey! Naisip ko rin, maganda rin pala ang maghintay at umasa, magtiwala lang sa mga gusto mo at mangyayari yon. Manalig. Ipagdasal. 

May mga taong ginagamit ng Diyos para tulungan akong makilala ang sarili ko at mga gusto ko sa buhay at lalo pa kung saan ako paroroon.. maraming salamat!

Pag nakatungtong na ako sa trabahong gusto ko, mapapagaan at mapapasaya ko ang pamilya ko. Siyempre may mukha na akong maihaharap sa nanay at tatay at mga kapatid ko. May mukha na rin akong maihaharap sa dream boy ko—di na ako mukhang isip batang puro laro lang alam sa buhay, magiging seryoso na akong tao at baka sakali, pwede na niya ako yayain mag-date, papayag na ako pag niyaya niya ako.

Dream job.

Dream company.

Dream boy.

Dream high.

PS. Di ko alam kung ikakahiya ko tong entry na to pagkatapos kong pindutin ang “create post”.

gabmadrid:

(via Pag-agos (Flow) 1 ft. Up Dharma Down by ~gabmadrid on deviantART)
Hindi alam kung tatakbo, o kusang lalayo sa’yo (I don’t know if I should run, or just drift away from you.)
A typographic poster inspired by the song Pag-agos by Up Dharma Down (video: [link]). Same treatment: I wanted it to be more than just fonts on a poster so I customized the typeface.This is part of a series of Typographic posters inspired by Original Pilipino Music.

gabmadrid:

(via Pag-agos (Flow) 1 ft. Up Dharma Down by ~gabmadrid on deviantART)

Hindi alam kung tatakbo, o kusang lalayo sa’yo (I don’t know if I should run, or just drift away from you.)

A typographic poster inspired by the song Pag-agos by Up Dharma Down (video: [link]). Same treatment: I wanted it to be more than just fonts on a poster so I customized the typeface.

This is part of a series of Typographic posters inspired by Original Pilipino Music.

(via updharmadown)

NIGHTNIGHT by DEDDY